Ang Pandemya

 Ang COVID-19 pandemic ay nagpakilala ng kawalan ng katiyakan sa mga pangunahing aspeto ng pambansa at pandaigdigang lipunan, kabilang ang para sa mga paaralan. Ang pagsasara ng mga paaralan ay nakakaapekto sa achievement ng mga bata. Kahit na ngayon, ang mga namumuno sa edukasyon ay nahihirapan na aksyunan sa tila imposibleng mga pagpipilian na balansehin ang mga panganib sa kalusugan na nauugnay sa pag-aaral ng tao laban sa mga pang-edukasyon na pangangailangan ng mga bata na maaaring mas mahusay na ihatid kapag ang mga bata ay nasa mismong loob ng paaralan.

Sa mga panahon ng hirap na nararanasan ng mundo, madali tayong mag-panic at magkagulo. Lalo na ngayon na tayo ay naka quarantine, nakakaramdam tayo ng kalungkutan. Iniisip natin na hindi na ito maibabalik sa dati. Samantala, ang mga guro ay nahihirapan na makakuha ng kanilang maaaring ituro o magamit sa online class at ang mga magulang ay nahihirapan din na turuan ang kanilang mga anak dahil sila ay nag hahanap-buhay pa araw-araw.

Ang mga estudyante mismo ay nagkakaroon ng anxiety dahil sila ay maraming sinasagutan, kung makakapasa ba sila at higit sa lahat nakaisolate pa, iniisip din nila ang nakakamatay na virus. Maraming mahihirap na mag-aaral at guro ay hindi kayang bumili ng kinakailangang kagamitan para sa online na pag-aaral ang iba ay inilalagay sa peligro ang kanilang sarili. Halimbawa, ang ilang mga mag-aaral ay kailangang umakyat sa bubong ng kanilang mga bahay, sa mga puno, o sa mga bundok upang makahanap lamang ng mas malakas na koneksyon sa internet.

Nakalulungkot, dahil dati ang karamihan sa kita ng pamilya ay ginugol lamang sa pagkain at utilities, ang mga pamilya ay walang mapagkukunan upang magbayad para sa isang matatag at stable na internet, pati na rin ang mga gadget tulad ng mga laptops o smartphones. Ang problema pa rito ay dahil ang pambansang pamahalaan ay taun taon na nabigo na mabigyan ng sapat na materyal na pang-edukasyon sa mga pampublikong paaralan bago ang pandemya, paano pa kaya ngayon na meron ng pandemya imposible na ibigay sa lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang mga gadget na kinakailangan para sa pag-aaral sa online sa panahon ng pandemya.

Ang mga problemang ito ay maaaring madaling maagapan kung ang mga nahalal at naatasang opisyal ng gobyerno ay nakatuon sa kanilang pagsisikap sa paglutas ng mga problemang ito sa halip na sayangin ang oras at pera ng mga Pilipino ay inilalaan pa nila ito sa kanilang personal na kagustuhan at ambisyon. Sa huli ay dapat magkaisa na tayong lahat.


Comments

Popular Posts