Barayti ng Wika

Makakapanayam namin ang isang negosyante. Ibabahagi nya sa amin ang kaniyang kaalaman sa pagiging negosyante at kung paano niya ito nasimulan.




Sa piktyur na ito makikita nyo ang aming pakikipanayam sa negosyante. Makikita rin dito na ibinabahagi nya sa amin ang kaniyang karanasan bilang isang negosyante at kaunting kaalaman sa kaniyang personal na buhay.



                                                    


Narito ang ilang mga katanungan na aking tinanong sa kaniya:


  •  Paano mag simula ng isang negosyo?

 Ang ginawa ko lang ay pumili ako ng tamang negosyo hindi lang naman tungkol sa kung ano ang gusto mong gawin o iyong passion. Laging isaalang-alang ang pangangailangan ng iyong mga target costumer o yung mga gusto mong bentahan ng iyong produkto o serbisyo. Suriin mo rin kung ano ang mga patok na uri ng produkto. Magsimula sa maliit mas mainam na magsimula muna sa isang maliit na pwesto o puhunan.

 

  • Mahirap bang maging isang negosyante? 
 Oo naman, Sa simula ay mahihirapan ka talaga kasi hindi ka pa naman masyadong kilala at wala pang mga tao ang bibili sayo. Pero pag tumagal kana sa pagbubusiness ay hindi kana masyadong mahihirapan kasi alam mo na ang iyong mga ginagawa.

 

  •  Ano ang iyong maipapayo sa mga nagsisimula pa lamang mag-business?

Ang maipapayo ko ay hindi lang naman tungkol sa tagumpay at kumita ng pera ang hatid ng pagnenegosyo, kundi pati na rin sa kung anong mga aral sa buhay ang ituturo nito na dapat nating matutunan. Hindi mo kailangan solohin lahat ng trabaho kung sa tingin mo ay hindi mo kaya. Isipin mong mabuti ang iyong lakas at kahinaan at maghanap ng tao na kung saan sila ay dalubhasa sa ilang mga bagay sa pagpapatakbo ng negosyo.

·  

  •   Ano-ano ang iyong mga career goals?

Gusto ko talaga mapalago itong business ko at  magkaroon ng pinansyal sa na kalagayan. Ang isa pa mas gumanda pa ang aking kita.

 

·       

  •  Ano ang iyong kalakasan at kahinaan?

 Ang kalakasan ko ay ang aking pamilya kasi nakakatulong sila sa pagsisikap ko sa trabaho. Ang kahinaan ko naman ay yung mga taong hindi sa akin nabili tapos mababa lang ang naibentang mga produkto kahinaan to para sa akin dahil nakakalungkot na minsan ay walang nabili sa iyo.

  

·  

·  

                                                                       REHISTRO NG WIKA

 

Abatement(E)

Paghulaw(F)

           Halagang ibinabawas mula sa karaniwang presyo o sa kabuuhang buwis.

 

 

Accounting(E)

Akawnting(F)

           Proseso ng pagsunod o pagtatabi ng mga akawnt pampinansyal.

 

 

Amendment(E)

Susog(F)

           Pagdating o pagbabawas;pagbabago sa ilang mga nilalaman ng isang dokumento.

 

           

Appreciate(E)

Apresyeyt(F)

            Pagtaas ng halaga ng isang bagay.

 

 

Arrears(E)

Arirs(F)

            Halagang hindi nabayaran sa itinakdang panahon.

 

 

Audit(E)

Pagtuos(F)

            Isang opisyal ng inspeksyon ng mga account ng isang indibidwal o organisasyon.

 

 

Bankrupt(E)

Tumbado(F)

           Estado ng pagbagsak ng negosyo dahilsa kawalan ng kakayahan na mabayaran ang utang.

 

 

Bleed(E)

Blid(F)

          Pagsingil sa mas mataas na halaga.

 

 

Brand(E)

Tatak(F)

           Isang natatanging tanda na ginagamit ng isang kumpanya upang makilala ang mga produkto nito.

 

 

Budget(E)

Badyet(F)

           Partikular na halaga ng pera nainilalaan para sa isang proyekto.

 

Buyback(E)

Pagtubos(F)

          Kasunduan upang tanggapin ang pagbabalik ng mga inangkat na produkto.

 

 

Capital(E)

Puhunan(F)

          Pera o ari-arian na ginagamit sa pagsisimula ng isang negosyo.

 

 

Chattel(E)

Tsatel(F)

         Ari-arian

 


 

GLOSARI

agreement, usually verbal - kasunduan

agricultural - agrikultural

authentic - tunay

boss or owner of the business - may-ari

bank - banko

business - negosyo

bankrupt - bangkarote

businessman/businesswoman - negosyante

contract - kontrata

collect (money) - singil

cheap - mura

capital - puhunan

co-owner - kasyoso

debt - utang

damaged - sira

downpayment - paluwal/paunang bayad

discount - diskwento/tawad

expensive - mahal

earned a profit - kumita

expense - gastos

employees - tauhan

free - libre

first sale of the day - buena mano

goods - kalakal

general merchandise - sari-sari

how much - magkano

interest - interes

installment - hulugan

job-training - pagsasanay sa trabaho

kickback - tubò mula sa negosyo, karaniwan sa ilegal o palihim na paraan o sabwatan

loan - utang

money paid on behalf of someone else - abono

Comments

Post a Comment

Popular Posts